Pag-ibig sa Daluyong ng Panahon
Ni: Venus_2011
Sa paglagas ng panahon
Marami nang nagbago na hiyang sa iyo
Cellphone, iPod, laptop, at maging iyong istilo
Naging iba sa kasanayan ng iyong Lola.
Subalit pag-ibig nga nama'y nadamay
Sa kalokohan nating mga kabataan
Panliligaw ay dinadaan sa text at chat
At sa matamis na OO'y halatang atat na atat
Pati ang simbahan ginawang tagpuan
Ng mga magsing-irog na walang paki kanino man
Di na nga pinakilala ang isa't isa sa mga magulang
NagpPDA na kahit nasa eskwela o daan
Subalit lumipas ang isang Linggo
Ang magsing-irog nga raw ay naghiwalay
Dahil raw si lalaki'y may ibang kachat
Pinagpalit kay babae, nakahanap nga ng katapat.
Tila iba na nga ang pag-ibig ngayon
Parang kay dali o kay tamis tulad ng Chocolate
Tingin ata nila ang pag-ibig ay walang halaga
Ito'y laro lamang at walang totohanan
Kaya sila ngayo'y walang tiwala sa pag-ibig
Ito raw ay walang katuturan, walang kapangyarihan
Wala raw silang patutunguhan kung pag-ibig kanilang pagbibigyan
Mas mabuti raw ang panandalian, marami kang matitikman
O Dios ko, maliwanagan nawa ang mga people ngayon
Na ang pag-ibig ay sadyang naririto pa ngayon
Maaari ngang magmahal ka sa maraming pagkakataon
Subalit ang tunay na pag-ibig ay makikita sa takdang panahon.
MAPAGPAASA
Minsan, aking naiisip,
Kung bakit pa, ako’y umiibig.
Kung alam ko naman,
Na lahat ng ito’y pareho lang ang patutunguhan.
Maghabol ng isang puso,
Na hindi ko naman maaako.
Magmakaawa para sa isang apeksiyon,
Na hindi naman ibibigay kelan man ng panahon.
Magskripisyo ng sobrang laki,
Para sa isang kinbukasang wala namang silbi.
Umiyak para sa taong pinapangarap kong maging akin,
Na kaian ma’y hinding-hindi ko makakapiling.
Kung sabi nila ang pag-ibig, ang pinakamahalagang bagay,
Kung kaya nitong ayusin ang ating mga buhay,
Eh, bakit ba, dahil sa pag-ibig na iyan,
Gabi-gabi akong luhaan?
LARONG PAG-IIBIGAN
Ako talaga’y sawa na,
Sa pag-iibigang ito.
Wala naman tayong ginagawa,
Ano ba ito, loko?
Tuwing kasama ka,
Lagi akong balisa.
At sobrang naiilang pa,
‘Pag kamay nati’y magkahawak na.
Hindi naman tayo ganito dati,
Masaya tayo noon at may tiwala sa isa’t-isa.
Ngayon, parang may malaking pagkakamali,
At mga kilos mo, parang puro kasinungalingan na.
Ngayon alam ko na,
Na siya ngang nakikipaglokohan ka.
Tama nga ang hinala ko sa simula pa,
Na hindi ka maasahan at ubod ng sinungaling pala.
Ako’y nagsisisi nang sobra-sobra,
At pinag-aksayahan pa kita ng panahon.
Kaya ngayon ako’y natuto na,
Na dapat kong pag-isipan muna ang aking bawat desisyon.

cellphone
Di ko mabitiwan ang cellphone ko
Naghihintay sa mga texts mo
Na may kasama pang ngiti sa dulo
Na nakakapagpangiti rin sa aking puso
Umaga, tanghali o gabi
Pag-uusap natin ay walang oras na pinipili
Sa pagsagot sa mga texts mo ako’y di rin pahuhuli
Pinahahalagahan ang bawat sandali
Ngunit ano itong text na napadala mo?
Hindi pangalan ko ang laman nito
Niloloko mo lang pala ako
Di inakalang magiging ganito
Maging maingat ka naman sana sa pagtetext mo
Para ikaw ay di mabuko
Yan tuloy may bukol ka na sa ulo
Dulot ng magandang pagkahagis ng cellphone ko.
Bayani
Ang mga bayani ay sadyang kahanganga
Dahil sa katapangan na kanilang ipinakita
Ibinuwisang buhay para sa bayan
Makamtan lamang ang kalayaan
Dapat natin silang repetuhin
At ang kanilang mga pangalan ay kilalanin
Dahil kung wala sila noon
Maaring magulo ang Pilipinas ngayon
Kaya sila ay ating tularan
At tumulong sa bayan kahit sa maliit paraan
Kahit simpleng pagtulong sa ating kababayan
Ay may naitutulong sa ating kaunlaran

Kasamaan
Ang mundo ay puno ng kasamaan
Nandito, naroon, kahit saan
Imposibleng ito ay waksan
Kaya wag nalang natin itong dadagdagan
Ang kasamaan ay nagdudulot ng kamatayan
At may nadadamay na mga taong wala namang kasalanan
Mga taong walang konsensya ang may kagagawan
Ngunit ang iba ay di napaparusahan
Kahit na ang mundo ay puno ng kasamaan
Patuloy parin dapat ang pag gawa ng kabutihan
Wag susuko sa ating pinaglalaban
At magpatuloy sa paniniwalang magbabago ang bayan

Pagnanangis
Pag-ibig sa simula’y umusbong nang kaunti
Di man lang pinansin nang napag-alamang mali
Patuloy na nagpanggap, damdamin ay isinantabi
Sino ba ang may alam na sa ganito ‘to mauuwi?
Ngayo’y nanghihinayang kung bakit umamin pa
Ngayon tuloy ay nagdadalamhati na lamang ang isa
Dahil sa isipan niya, siya lamang ay pinaasa
Di naman ganyan inasam kong iyong madama
Sana naman maniwala kang ako’y nagpakatotoo
Lahat ng sinabi ko’y walang bahid ng panibugho
Sadyang di lamang maaring ipagpatuloy natin to
Kung maaari’y sundin na lamang mga magulang nagpapayo
Ako rin ay nagnanangis sa ating kinahantungan
Sa huli, nais kong tayo pa rin ay magkalinawanagan
Pagkatapos ng lahat, ibig kong iyong matanto
Patulo’y sa iyo’y nananaghoy ang puso ko

Kaibigan
Ang tunay na kaibigan ay nagpagkakatiwalaan
At naasahan sa panahon ng kagipitan
Katulong mo sa oras pangangailangan
At karamay mo iyong kalungkutan
Ang pagkikipagkaibigan ay napakadali
Mas madali pa sa pagbibilang sa daliri
Kailangan mo lang magpakatotoo
Dahil ang nagpapakatotoo ay isang mabuting tao
Ang buhay na walang kabigan
Ay parang buhay ng kadiliman
Walang maaasahan
kundi ang sarili lamang
Ganoon kahalaga ang isang kaibigan

Pusong binigo
Puso ko ay iyong sinaktan.
Ito ay iniwan mong duguan.
Ika'y sumuko na sa laban,
Kaya ngayon, ako'y luhaan
Noon, tayo'y masaya
At wala ni isang problema.
Tayong dalawa'y palaging magkasama
At tumatawa sa tuwi-tuwina.
Ngunit, ang dating masayang kuwentuhan
Ay nabalot ng kalungkutan.
Dahil sa ating pagmamahalan
Puso ko'y ayaw nang tumahan.
Kakalimutan na lang kita
Dahil sakit na iyong naidulot, ayaw ko nang madama.
Ako nga ay iyong pinaligaya
Ngunit sa huli, puso ko'y iyong pinaasa't pinaluha.

Pusong nagsisisi dahil sa pinalampas na pagkakataon
Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito
Para sabihin sa iyo ang nararamdaman ko,
Ngunit huli na ang lahat, bigla kang nagbago,
Sa sandaling nawala ako sa tabi mo.
Sabi mo sa akin, hihintayin mo ako
Pero anong ginawa mo, ako'y iyong niloko
Alam mo ba ang pakiramdam ng ganito?,
Ang masaktan ng todo-todo?
Ngunit, hindi kita masisisi,
Pagkat inilihim ko ang ang aking damdamin,
Kaya ngayon ito lang ang aking masasabi:
ang maging masaya ka sana sa kanyang piling
Hayaan mong palayain kita sa panahong ito,
Pagkat may nagmamay-ari na ng puso mo,
Masakit man sa akin pero dapat ko itong itago,
Para wala ng pusong magdurugo

Ampalaya_256
Ni: Sweet tooth
I Love You!
Yan ang sigaw ng puso ko
Sana maging tayo!
Yan ang pangarap ko
Iniisip ka kahit may klase
Kahit sa Math ako’y nadadale
Hala galit na si Sir kasi ako’y natulala
Bahala siya, basta ako’y Masaya
Patingin-tingin sa iyo
Sa kantina nais sana kitang masolo
Pero anjan ang mga kaibigan mo
Kaya nilibre ko kayo para masali sa grupo!
Parang tanga na ata talaga ako
Pati ATM kinunan ng perang panglibre sa’yo
Di na nag-aaral nang makuha ang numero mo
Panay cellphone nalang ang kaharap ko
Lumao’y nagdecide na manligaw sa’yo
Hinanda ang porma at panglibre sa malaking araw ko.
Pero dinitch mo ako pagsapit ng makalawa
Darating raw kasi ang kasintahan niya
OMG! Gumuho ang mundo ko!
Umiyak magdamag, di na kumain
Nawasak ang puso kong puno ng pag-asa na maging tayo
Nakakamatay na ata ang heart break na ito.
Lumipas ang mga araw na sad
Happy na naman ako, nakangiti kahit kanino
Pero sa kanya tila naging bitter ako.
Di ko siya tinitignan o kinikibo
Lol, iba na ang shout out ko!
I hate you!
Yan ang sigaw ng puso’t isip ko!
Sana mawala ka na dito!
Yan ang pangarap ko!

Huli na
Sampung taon na tayong magkaibigan
Ngunit bakit ngayon mo lang naisipan
Sabihin sa akin ang katotohanan
Na pag-ibig mo para sa akin ay sukdulan
Minahal kita sa simula’t sapol pa man
Nagpapapansin sa iyong harapan
Ngunit kaunting atensyon di mo man lang inilaan
Pinagmukhang basang sisiw sa ilalim ng ulan
Lumuha ako dahil sa iyong kagagawan
Ipinangako sa sarili na ika’y kakalimutan
Alaala mo’y unti-unting nabura sa mga panahong nagdaan
Kasabay ng punong manggang may ukit ng ating mga pangalan
Huli na ang lahat para sa aminan
Dahil kami’y hahantong na sa kasalan
Ng iyong matalik na kaibigan
Kung saan ikaw ang best man

Pag-ibig na litung-lito
Nang una kang nakita Alam ko nang mayroong kakaiba Sa puso kong mura Isang pag-ibig ang namuong bigla
Nang sunod tayong nagkita marahil dahil sa kaba, Ako’y di nakapagsalita Nanginig, natigilan, natulala, nanigas, namutla Ewan ko ba, tila nananabik lang ata
Sunod-sunod na ang ating pakikita Napapaisip tuloy ako kung ito ay himala Di makapaniwala Ako’y biglang nagging napakahalaga
Lumipas ang mga araw At ako’y biglang napasigaw nang malaman ko at malinaw Isang sikretong di pwedeng ibunyag Sikretong kailanman ay di ko naisip, sikretong ayaw kong tanggapin
Kaya pala kung kumilos ka ay mala- maria clara kung mag-ayos ay ala-lady gaga Ang trato sa akin ay isa lamang barkada sa tingin ko ay huli na nang malaman kong ikaw pala ay bakla sapagkat ang puso ko ay napaibig mong kusa.

Nakakainis
Nakakainis ang mga mata mo
Kung makatitig ay wari’y tinutunaw ako
Pinapabilis pa ang tibok ng puso ko
Mas mabilis pa sa race car ang takbo
Nakakainis ang pangalan mo
Di matiis na di isulat sa kwaderno ko
Napuno na rin nito pati ang isipan ko
Sana ay may pambura para dito
Nakakainis talaga ang mundong ito
Kay hirap labanan ang nararamdaman ng puso
Sana ay may maimbentong remote control para dito
Kahit gaano kamahal ay bibilihin ko.
Kantina
Pagpasok ko ng kantina
Hinanap agad ang iyong mukha
Umaasang ngiti ay makikita
At araw ko’y magiging maganda na
Ngunit ano itong aking nakikita?
May iba ka atang kasama
Kayo ay nagtatawan pa
Habang kumakain ng pancit canton sa lamesa
Nagulantang ako ng kayo ay nakita
Selos at inis ay bigla kong nadama
Pero papasok pa rin ako sa kantina
Dahil alam kong mas maganda ako sa kanya
Uto-Uto
Sinabi mong mahal mo ako
Ako agad ay napaniwala mo
Eto naman si uto-uto
Inibig ka rin ng todo-todo
Sinabi mong ako lang ang nag-iisa sa mundo mo
Ngunit sino yang kasama mo
Ano pa ba ang idadahilan mo?
Naubos mo na yata ang lahat ng rason sa mundo
Ano pa yang ginagawa mo?
Lumuluhod sa harapan ko
Umaasang patatawarin ko
Ang kapal din talaga ng mukha mo
Kung laro lang pala ang hanap mo
Sana maaga pa lang ay sinabi mo
Para dinala kita sa palaruan sa may kanto
Maglaro ka dun mag-isa mo

Silid-aklatan
Pumasok ako sa silid-aklatan
Para hanapin ang librong aking kailangan
Pero iba ang aking natunghayan
Isang babaeng kaakit-akit pagmasdan
Nais itanong ang kanyang pangalan
Ngunit siya ay palabas na sa pintuan
Di ko na nahabol dahil naduwag nanaman
Isang pagkakataon na basta-basta kong pinakawalan
Lagi ko ng pinupuntahan ang silid-aklatan
Umaasang mukha mo ay muling masisilayan
Kahit pa pagkikita nating muli ay matatagalan
Ako’y hindi mapapagod sa paghihintay sa silid-aklatan
Sawing Pag-ibig
Naglalakad ka nang ika’y aking nakita Ako’y naghanda inakalang ako ang iyong sadya Ngunit ako’y biglang natulala Dahil ako’y nilampasan mo lamang bigla
Akala ko pwede pa Akala ko kahit konti ay may pag-asa Nngunit marahil buhay ay sadyang ganyan Umaasa ka subalit walang patutunguhan
Nagulat ako nang iba ang iyong niyaya Ang pangarap kong pagsayaw kapiling mo ay niglang nawala Ako’y nagmistulang sigarilyong upos Lahat ng pangarap at inaasam ay ubos na ubos
Subalit alam kong wala akong magagawa Kahit na umiyak pa at magmakaawa Sapagkat ikaw ay may mahal ng iba Ako’y mananahimik nalang at itatago ang pagsinta
Akala ko pwede pa Akala ko kahit konti ay may pag-asa Nngunit marahil buhay ay sadyang ganyan Umaasa ka subalit walang patutunguhan
Nagulat ako nang iba ang iyong niyaya Ang pangarap kong pagsayaw kapiling mo ay niglang nawala Ako’y nagmistulang sigarilyong upos Lahat ng pangarap at inaasam ay ubos na ubos
Subalit alam kong wala akong magagawa Kahit na umiyak pa at magmakaawa Sapagkat ikaw ay may mahal ng iba Ako’y mananahimik nalang at itatago ang pagsinta
Kaibigan
Ang tunay na kaibigan ay nagpagkakatiwalaan
At naasahan sa panahon ng kagipitan
Katulong mo sa oras pangangailangan
At karamay mo iyong kalungkutan
Ang pagkikipagkaibigan ay napakadali
Mas madali pa sa pagbibilang sa daliri
Kailangan mo lang magpakatotoo
Dahil ang nagpapakatotoo ay isang mabuting tao
Ang buhay na walang kabigan
Ay parang buhay ng kadiliman
Walang maaasahan
kundi ang sarili lamang
Ganoon kahalaga ang isang kaibigan
At naasahan sa panahon ng kagipitan
Katulong mo sa oras pangangailangan
At karamay mo iyong kalungkutan
Ang pagkikipagkaibigan ay napakadali
Mas madali pa sa pagbibilang sa daliri
Kailangan mo lang magpakatotoo
Dahil ang nagpapakatotoo ay isang mabuting tao
Ang buhay na walang kabigan
Ay parang buhay ng kadiliman
Walang maaasahan
kundi ang sarili lamang
Ganoon kahalaga ang isang kaibigan
Ang Huling Sayaw
Ako ay naghihintay at umaasa
Na may pagasa pa
Sa pagtanggi mo
Sa huling sayaw na alay ko
Nasabi ko sa aking sarili
“kung hindi ikaw, di ko na ipipilit”
Alam kong di ka nagsisisi
Kaya talagang masakit
Na may pagasa pa
Sa pagtanggi mo
Sa huling sayaw na alay ko
Nasabi ko sa aking sarili
“kung hindi ikaw, di ko na ipipilit”
Alam kong di ka nagsisisi
Kaya talagang masakit
Ialay
Ni: Nag-alay
Tao lang ba ang pwedeng umibig?
O di kaya’y hayop na walang himig
Paano na ang nasa tabi-tabi?
Kung ang pag-ibig ay pinipili
Wala mang pusong tumitibok nang mabilis
Pati balat na kay kinis
Wala mang matang nakaka-akit
Ngunit pag-ibig, bakit?
Parati nalang kayo ang pinapansin
At kami ay naiiwan na rin
Tapat man ibigin ang isa’t isa
Pero sa amin ay hindi maipadama
Nabubuhay man o namatay
Doon lang ba ito nababagay
Ang pag-ibig na walang kapantay
Di ba sa lahat ay pwedeng ialay
Tao lang ba ang pwedeng umibig?
O di kaya’y hayop na walang himig
Paano na ang nasa tabi-tabi?
Kung ang pag-ibig ay pinipili
Wala mang pusong tumitibok nang mabilis
Pati balat na kay kinis
Wala mang matang nakaka-akit
Ngunit pag-ibig, bakit?
Parati nalang kayo ang pinapansin
At kami ay naiiwan na rin
Tapat man ibigin ang isa’t isa
Pero sa amin ay hindi maipadama
Nabubuhay man o namatay
Doon lang ba ito nababagay
Ang pag-ibig na walang kapantay
Di ba sa lahat ay pwedeng ialay
Pag-ibig
Nasaan ka na?
Bakit hindi kita madama?
Nandito ka pa rin ba
O hanggang pangarap na lang kita?
Hindi ko maramdaman
Ang tunay mong kahulugan
Hindi ko rin naiintindihan ang iyong kabuluhan
Sa mundong aking ginagalawan
Naiinggit ako sa ibang tao
Dahil ika'y nasa kanilang mga puso
Kaya't para nang kumpleto
Ang buhay nila sa mundo
Pero ako, bakit naiiba?
Hindi kita madama
Lagi akong umaasa na makamtan ka
Pero, kailan pa?
Kailan ka pa kaya mararamdaman
Ng puso kong nangangailangan,
Ng puso kong tigang
At walang pakiramdam
Sana'y dumating ka na.
Sana.