Naaalala niyo pa ba ang mga araw na tinulungan niyo kami sa iba’t ibang laro sa aming Freshmen Field day? Sa mga gawain namin sa iba’t ibang club? Nakatatak pa rin ba sa inyong mga isipan ang iba’t ibang pagsubok na sama-sama nating dinaanan sa Science Camp? Hindi niyo pa ba nakakalimutan ang mga paligsahang ating nilahukan sa Intrams at Foundation Day?
Lahat ng iyan ay ilan lamang sa mga pangyayaring sabay-sabay nating nilahukan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagiging magandang halimbawa sa amin. Sa panahon ng kagipitan, hinding hindi niyo talaga kami nakalimutang tulungan at bigyan ng payo. Kayo’y para na ring aming mga nakatatandang kapatid dahil palagi niyo kaming ginagabayan sa daang aming tinatahak patungo sa tagumpay. Gusto pa namin kayong makasama nang mas matagal ngunit, nagbunga na lahat ng mga sakripisyong inyong ginawa at mga paghihirap na inyong dinanas. Narating niyo na rin ang inyong pinakaaasam-ang makapagtapos ng haiskul.
Magbubukas na naman ang panibagong yugto ng inyong buhay. Makararanas na naman kayo ng mga bago at mas matitinding pagsubok. Sana’y gabayan kayo ng Panginoon upang makamit ninyo ang tagumpay.
All is well !