Opisyal na Online ng Bagwis Agham 2k11 
  • Bagwis Agham
  • Pitik Bulag
  • Komiks 101
  • Mga Kwentong Halaw sa Puso
  • Sa Likod ng Lente
  • Mga Piling Sanaysay
  • Mga Tula
  • Ang Boses ng Masa! Polls and Surveys

Salamat Seniors!

1/18/2011

2 Comments

 
       Naaalala niyo pa ba ang mga araw na tinulungan niyo kami sa iba’t ibang laro sa aming Freshmen Field day? Sa mga gawain namin sa iba’t ibang club? Nakatatak pa rin ba sa inyong mga isipan ang iba’t ibang pagsubok na sama-sama nating dinaanan sa Science Camp? Hindi niyo pa ba nakakalimutan ang mga paligsahang ating nilahukan sa Intrams at Foundation Day?

       Lahat ng iyan ay ilan lamang sa mga pangyayaring sabay-sabay nating nilahukan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagiging magandang halimbawa sa amin. Sa panahon ng kagipitan, hinding hindi niyo talaga kami nakalimutang tulungan at bigyan ng payo. Kayo’y para na ring aming mga nakatatandang kapatid dahil palagi niyo kaming ginagabayan sa daang aming tinatahak patungo sa tagumpay. Gusto pa namin kayong makasama nang mas matagal ngunit, nagbunga na lahat ng mga sakripisyong inyong ginawa at mga paghihirap na inyong dinanas. Narating niyo na rin ang inyong pinakaaasam-ang makapagtapos ng haiskul.

       Magbubukas na naman ang panibagong yugto ng inyong buhay.  Makararanas na naman kayo ng mga bago at mas matitinding pagsubok. Sana’y gabayan kayo ng Panginoon upang makamit ninyo ang tagumpay.

All is well !

2 Comments

Dakilang Pag-ibig

1/14/2011

2 Comments

 

       Nalalapit na ang Araw ng mga puso. Ilang araw na lang at maglilipana na ang mga liham, text messages, e-mails at kung anu-ano pang paraan ng mga tao upang ipahayag ang kanilang mga damdamin para sa kanilang mga iniibig.
      Ang mga tsokolate, mga stuffed toys, mga rosas at kung anu-ano pang mga bulaklak ay pinag-iipunan na ng mga kalalakihan upang ipamigay sa kanilang mga nobya. Hindi rin nagpapahuli ang mga kuwintas, pulseras at iba pang mga alahas sa mga inireregalo sa panahon ng pag-ibig.
      Minsan, may mga babaeng nalulungkot dahil wala silang natanggap ni isang regalo sa araw ng mga puso. Hindi dapat nila ito ipag-alala dahil hindi mga materyal na bagay ang nagpapatunay ng pagmamahal ng isang tao. Hindi din nila ito dapat ikabahala sapagkat may isang Nilalang na tunay na nagmamahal sa kanila. Isa pa, higit pa sa mga materyal na bagay ang mga ibinigay Niya. Sa Kanya nagmumula ang tunay na pag-ibig. Siya ay ang ating Dakilang Maykapal.
         Agape—ito ang tawag sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Walang sinuman ang makahihigit sa pagmamahal ng Panginoon para sa atin. Patunay lamang ang pagbibigay Niya ng buhay ng kanyang Anak na si Hesukristo. Kahit sa panahon ngayon, mahirap para sa isang ama na ialay ang kanyang anak upang maisalba ang sangkatauhan sa parusang dulot ng kasalanan. Ngunit, isinakripisyo ng Panginoon si Hesus upang tayo ay mabuhay. Tanda lamang ng kanyang wagas na pagmamahal sa mga tao.
          Liban sa pagsakripisyo kay Kristo, patunay rin ang mga biyaya na ating natatanggap ng Kanyang dakilang pagmamahal. Kahit ang iyong pagkakabasa mo ng sanaysay na ito ay isang biyaya ng Maykapal. Ngunit, atin bang naaalalang pasalamatan ang Diyos dahil sa Kanyang tunay na pagmamahal? Siguro, kung isang ordinaryong tao lamang ang ating Panginoon, siguro ay nagtampo na ito. Ngunit, tayo nga ay sadyang mahal Niya na hindi niya magawang magtampo sa atin.
            Sana naman, kahit papano ay naantig ng kaunti ang inyong puso at maalala ninyong magpasalamt sa Panginoon. Isang simpleng paraan ng pagpapasalamat ang ipapayo ko sa inyo: PANALANGIN. Sa pamamagitan ng ating mga dasal, naipapahiwatig natin ang ating pagpapasalamt sa Panginoon. Isang panalangin na sinsero at mula sa puso. 
           Hala, sige na. Tigilan niyo na muna ang pagbabasa at ipikit ang inyong mga mata upang magpasalamat sa Panginoon.   
2 Comments

    Bagwis Agham

    Mga Manunulat na sa pangarap nabubuhay subalit may karansang 'di makukuha kahit ng presidente ng 'Pinas.

    Categories

    All
    Pagpapamulat
    Pagpapasalamat

    Archives

    January 2011

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.