Sa gabing madilim, isang tindahan ang nagniningning. Kumikislap-kislap na parang bituin sa gitna ng syudad na maraming kinikimkim na poot at galit. Ang tindahan na ito ay tinatawag na “Burger Hauz” kung saan walang bumibili na mga tao dahil 12:00 A.M. na binubuksan ang nasabing tindahan. Kung iisipin ninyo, sino pa ba ang bibili ng burger sa hating gabi? Mayroon naman siguro pero pipiliin nalang nilang matulog kaya wala pa rin. Dumating ang kinabukasan at nagsarado ang munting tindahan upang makapagpahinga sila sa susunod na pagbubukas nito. Heto na ang totoong kwento.
Isang batang nangangalang Case ang nag-aaral sa eskwelang puno ng kalokohan. Si Case ay isang batang mahiyain at takot na takot na makipaghabilo sa ibang mga tao. Dahil siya ay baguhan pa lamang, inilagay siya ng Punong-guro sa pinakahuling pangkat kung saan nabibilang ang mga estudyanteng mayroong sampung bagsak na grado kahit na wala silang asignatura. Kung susuriin natin mabuti, maihahambing ang pangalan ng kanilang pangkat sa kanilang mga grado. Ayon sa matematika, ang kanilang grado ay 10/0 o di kaya’y “undefined” kaya naman ang pangalan ng kanilang pangkat ay napakahaba. Dahil sa matematika, ang pangalan ng kanilang pangkat ay “have no definition”.
Balikan naman natin si Case. Pagpasok ni Case sa eskwelahan ay napaisip siya na masyadong mahaba ang pangalan ng kanilang pangkat kaya ginawa niya itong “undefined”. Sa sobrang hanga ng kanyang mga kaklase ay pinuri siya at naging lider ng pangkat “undefined”. Ang ibig sabihin nito ay uto-oto siya dahil naniwala siya sa mga bobo niyang mga kaklase. Dahil dito, tinawanan siya ng sobrang-sobra at tumakbo siya upang hindi marinig ang mga tawang makakapagpatawa sa kanya. Pumunta siyang mag-isa sa kainan nang marinig niya ang tunog na kagaya ng nagpapabili ng sorbetes o sa ingles ay “bell”.
Habang lungkot na lungkot niyang sinusubo at kinakain ang mainit na lomi ay nilapitan siya ng isang babae. Ang pangalan niya ay Rade. Nakakabiglang-isipin ng bigla itong bumitaw ng di-inaasahang mensahe. “uy, bata magsyota na tayo ha!” ang sabi ni Rade. Hindi makakilos si Case dahil sa narinig niyang iyon. Naisip niyang maganda naman si Rade at mayroong inosenteng mukhang makakapagpatunay na mayroon siyang pusong mamon. Nagsalita siya at sinabing oo kaya agad-agad ay may natuklasan si Rade. Natuklasan niyang bobo pala si Case dahil uto-oto siya pero hindi inuto ni Rade si Case.
Kaya simula noon ay naging magsyota na sila. Kahit ano ay ginagawa ni Case dahil nga uto-oto siya. Kailanman ay batas ni Rade ang kanyang sinunod. Lumipas ang isang taong pagsasama nila ay kailangan ni Rade na umalis patungong Mars.
Biglang napatulala si Case sa sobrang lungkot dahil dito. Ang huli nilang pagkikita ang naging pinakaromantiko sa lahat ng kanilang ginawa. Pumunta sila sa tindahan ng mga alahas at doon itinuro ni Rade ang singsing na gusto niya. Ang hiling sana ni Rade ay mayroong magbibigay sa kanya nito sa hinaharap. Pagkatapos ng lahat ay nagpaalam na sila sa isa’t isa nang biglang tumawa si Rade nung wala na si Case.
Sinabi biya na, “uto-oto talaga si Case,hindi niya ba alam na Mars,st. Ang tinutukoy ko na kung saan ay nasa likod lamang ng kanilang bahay. hahaha ”. Mula noon ay nagsikap si Case sa pagtatrabaho upang maibili ang singsing na iyon at nagbabasakaling magkikita silang muli. Bawat pawis at dugo ay kanyang inalay sa pagtitinda ng kendi sa mga mamahaling restuarant. Kung iisipin ninyo tama ba ang ginawa ni Case? Sa tingin ko ay tama ito dahil wala naman kendi sa ganyang mga lugar. Abangan nalang natin sa susunod na talata. Si Case ay hindi nagtagumpay sa kanyang ginawa. Nang bumalik siya sa kanilang bahay ay nakarinig siya ng isang aksidente. Siya ay dali-daling pumunta sa likod ng kanilang bahay at doon ay nakita niya si Rade. Pinuntahan niya si Rade at sumigaw ng malakas upang humingi ng tulong ngunit kahit isa ay walang lumabas. Nag-isip siya ng paraan hababng nag-aagaw buhay si Rade.
Pagkatapos ng limang minuto ay nakaisip siya ng isang paraan. Binuksan niya ang kanyang mga kendi at sabay-sabay itinapon sa atip ng mga bahay na naroon. Isa lamang ang nakagising dahil sa kasamaang palad ay isa lamang ang tumama sa isang daan niyang itinapon na kendi. Nailigtas ni Case si Rade at dahil “kendi addict” ang tumulong kay Case, binigyan niya ito ng pambili ng singsing. Agad-agad binili ni Case ang singsing at dali-daling ibinigay ito kay Rade. Sa di malamang dahilan ay tinaggihan ito ni Rade. Pinamigay ni Rade ang isang sulat kay Case para umalis na siya. Umalis si Case na luhaan at umupo saglit sa kalye. Binasa niya ang sulat na nagsasabing:
“Mahal na mahal kita Case at alam mo iyon dahil uto-oto ka. Hindi ko tinanggap ang singsing mo dahil...(walang kasunod sa harapan ng papel).”
Laking gulat ni Case sa nabasa niyang iyon. Naglakad siya hanggang 12;00 A.M. Kung sino man ang nagbabasa nito, natatandaan mo pa ba ang “Burger Hauz” kung saan nagbubukas tuwing hating gabi. Napadpad siya doon at biglang nagutom. Unti-unti niyang pinasok ang “Burger Hauz” at doon ay tinawag siya ni Rade. Madali naman siyang lumapit. Sinabi agad ni Rade na basahin ang likod ng sulat dahil alam niya na bobo si Case at hindi niya makukuha ang ibig sabihin ng nakasulat sa harapan ng papel. Ang nakasulat sa likod ng papel ay:
“magpapa-opera pa ako ng bagong kamay para maisusuot ko ang ibibigay mong singsing.”
Unti-unting inilabas ni Rade ang kanyang mga kamay at unti-unti rin isinuot ni Case ang singsing kay Rade,ay hindi pala, sa kamay pala ni Rade. Nabuhay sila ng mapayapa at masaya. Dahil hindi sumuko ang “Burger Hauz” sa pagbubukas tuwing hating gabi, sila ay nagkaroon ng masayang wakas.pagakatapos ng kuwento ay nagniningning na rin sa wakas ang “Burger Hauz”.
Sa kabila ng masayang wakas ay mayroon pa rin mali. Akala niyo ba na masaya talaga ang wakas? Nagkakamali kayo dahil sa kaloob-looban ni Rade ay umiiyak ang kanyang puso. Ang singsing na nasa kanyang kamay ay hindi niya maramdaman o di kaya’y mahawakan. Naisip niya noon na iba ang sumusuot ng singsing na binigay ng kanyang mahal pero itinanggi niya ito sa kanyang sarili. Sa huli, tinawag niya itong singsing na walang kasusuotan.