‘Minsan lang Kita Iibigin’ ika nga ng kanta. Ngunit ilang buwan na ang lumipas mula nang maramdaman ko ang kakaibang pagtingin para sa iyo, hindi pa rin ito nawawala. Paano naman kasi, lagi kitang nasisilayan. Kahit saan ako lumingon, lagi kang andyan. Palagi kitang iniiwasan pero sa halip ay lagi kitang nakakasalubong. Hay ewan, tadhana nga naman.
Tadhana—isang salitang palaging binabanggit sa mga romantikong palabas sa telebisyon at maging sa mga pelikula. Ewan ko nga kung bakit ko iyan nabanggit. Sa tingin ko naman hindi naman tayo itinadhana. Talagang nagkataon lang na palagi kang naroon kung nasaan ako. O, naroon ako kung nasaan ka. Ewan ko, kahit ako nalilito.
Paano naman ako hindi malilito eh lagi mo akong pinangingiti sa mga patawang kalbo mo? Ewan ko nga kung bakit mo ako pinapansin kahit di naman tayo close. Ni hindi nga tayo naging magkaklase. Ewan, pero kinikilig talaga ako tuwing nginingitian mo ako. Tuwing papalapit ka sa akin, kinakabahan ako. Wala naman akong kasalanan sa iyo at wala namang rason para kabahan ako. Pero paano ba ‘to?
Masyado kang mabait sa akin. Kahit man ako ay magmistulang baliw, pilit mo akong iintindihin. Puso ko’y talagang tuwang-tuwa. Ewan, ‘di ko na talaga maintindihan. Kahit sa takbo ng isip ko ako ay naguguluhan. Ginusto ko talagang kalimutan ka, ngunit ngayon, parang di ko na yata kaya pa.
Pero wala ka namang ginagawa. Alam kong alam mo na may pagtingin ako sa iyo. Sabi nga ng mga kaibigan ko, “Masyado kang obvious, girl.” Bahala na kung obvious, wala naman akong ginagawang masama. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari. Hanggang kapatid pa rin ang tingin mo sa akin. Siguro nga mali lang talaga ang aking inakala. Ewan ko talaga!
Wala akong magagawa kung talagang hanggang pagmamahal para sa isang kapatid lang talaga ang kaya mong ibigay sa akin. Masakit man, kailangan kong tanggapin. Balik na naman ako sa umpisa. ‘Minsan lang Kita Iibigin’. ‘Di ba sabi din ng kanta ‘Dahil ang minsan ay magpakailanman’?
Paano na yan? Mananatili ka ba talaga may puwang sa puso ko? Siguro habang tumatagal, mababawasan din ang pagtingin ko sa’yo. Parang half-life. Habang tumatagal, lalong lumiliit pero andyan pa rin. Kahit katiting na lang ang maiwan sa huli, hindi pa rin ito mawawala ng tuluyan. Ano ba ‘yan, nahaluan na tuloy ng Chemistry itong sinusulat ko.
Sige, at mag-aaral pa ako. Ewan ko na lang kung makakapag-concentrate pa ba ako dahil sa text na ipinadala mo. ☺