Isang kuwentong kakaiba. Isang kuwentong ‘di tulad ng iba. Isang kuwento ng isang siga at isang suplada. Ang istoryang ito ay tungkol sa dalawang tao, si Red at si Anne. Siga, basagulero, maangas, gwapo at medyo mayabang, iyan si Red. Walang nakakapalag sa kanya maliban sa nag-iisang kinakakatakutan niyang babae, iyon ang bestfriend niyang si Anne.
Si Anne ay suplada, mabait at maganda naman. Parati niyang pinapagalitan si Red tuwing napapasali ito sa mga away. Sa tuwing pinapagalitan niya si Red, mas lalo siyang gumaganda para sa lalaki. Mas lalong napapamahal si Red. Si Anne naman, masungit at ayaw niyang pinapakialaman siya ng iba. Pero meron siyang hindi maiwan-iwan. Iyon ang bestfriend niyang si Red. Kahit siga ‘yun, mabait ‘yun kay Anne.
Sa tuwing pinapagalitan niya si Red, napapayuko lamang ang lalaki. Mas lalong napapangiti si Anne dahil doon, mahal niya na rin ata si Red. Pero sa kabila ng pagmamahalang nabubuo, may humahadlang pa rin, ito ay ang kanilang pag-iisip na hindi nila pwedeng mahalin ang isa’t isa sapagkat sa palagay nila ay hanggang bestfriends lang ang pagtitinginan ng magkabilaang panig. Ito ang kanilang istorya.
(Sa may kanto)
“Oh, anong nangyari sa’yo?” Tanong ni Anne kay Red.
“Wala ‘to, napaaway lang ako,” sagot ni Red.
“Sabi ko na sa’yo eh, huwag ka nang makikipag-away.”
“Huwag kang mag-alala, ok lang ako.”
“Mag-promise ka!”
“Na ano?”
“Na hindi ka na makikipag-away. Kung hindi, magagalit ako sa’yo.”
“Bakit naman?”
“Ayaw ko nang mapahamak ka eh.”
“Seroyoso ka Anne?”
“Oo.”
“Oh sige na nga.”
“Promise yan ha?”
“Opo, opo, promise yan, para sa’yo. Hinding-hindi na talaga ako makikipag-away”.
Masayang naglakad sina Red at Anne pagkatapos ng kanilang pagtatalo. Sabay silang kumain ng kwek-kwek at nagtawanan. Pagkatapos ng ilang sandali, may nakita silang lalaki.
“Red!” Sigaw ng isang lalaki kay Red.
“At bakit?! Anong problema mo sa bestfriend ko?!” Palaban na sinabi ni Anne sa lalaki.
“Naka-tsamba siya sa akin sa pustahan namin sa Dota kanina eh, natalo ako ng dalawang libo. Dinaya niya ako!”
“Hindi madaya si Red! Magaling siya magdota. At ako lang ang may kakayahang matalo siya! Gusto mong tayo na lang ang maglaban? Dota ba? O pwede rin suntukan na lang?!”
“Oh sige na, huwag na lang. Ikaw Red, may araw ka rin sa akin, magbabayad ka.”
(Umalis na ang lalaki)
(Naglakad na sina Red at Anne patungo sa bahay nila Anne)
“Oh diba Red? Wala siyang kaya sa powers ko,” pabiro na sabi ni Anne kay Red.
“Ikaw talaga Anne, hinayaan mo na lang sana kaming magsuntukan, kawawa rin naman ‘yun siya sa mga suntok ko, diba?” Sagot ni Red.
“Mayabang ka talaga. Huwag na Red, huwag ka nang humirit, ayaw ko nang mapano ka pa, tingnan mo nga ‘yang pasa mo sa may labi banda.”
“Talaga ba Anne? Halikan mo nga? Tiyak na mapapagaling ito ng isang matamis na halik ng pinakamagandang babae sa mundo.”
“Palabiro ka talaga Red, ‘yan ka na naman, binobola mo naman ako. Che!”
“Oh, ‘yan na, sinusungitan mo naman ako. Sige ka Anne, mahilig pa naman ako sa mga masungit, baka mahulog na ako sa’yo.”
(Nakarating na sa bahay nila Anne)
“Boba! Oh sige na Red, hinahanap na siguro ako ni Nanay.”
“Oh sige Anne, paalam!”
“Ingat ka Red ha?, ‘Yung promise mo?”
“Yes maam.”
Sa gabing iyon, si Anne ay nakangiti sa kanyang paghiga sa kanyang kama para matulog. Hindi niya alam kung ano na ba ang kanyang nararamdaman. Mahal na niya ata ng sobrang-sobra si Red.
“Iba na ata ito,” ika ni Anne sa kanyang sarili.
“Aaminin ko na kaya sa kanya?”
“Sasabihin ko na kaya sa kanya ang aking tunay na nararamdaman?”
“Alam ko na, susulatan ko na lang siya”.
“Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya ng personal.”
“Nahihiya ako.”
“Natatakot.”
“Naiihi”.
“Baka pagtawanan niya lang ako”.
“Paano kung hindi niya ako mahal?”
“Paano kung bestfriends lang talaga kami?”
(Gumawa si Anne ng sulat at natulog na rin pagkatapos)
Kinabukasan, tumawag si Red kay Anne. Sila raw ay magkikita sa may kanto. Ipapasyal niya raw si Anne sa Seawall. Ika-16 ng marso ang araw na iyon. Ito ang petsa kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan nina Red at Anne. Si Anne ay natuwa sa narinig. Ito na ang pagkakataong kailangan niya upang maibigay ang sulat. Binaba ang telepono at nagmadaling nagbihis si Anne, nagpaganda ng husto at di kinalimutan ang sulat para kay Red. Pagkatapos ay siya na rin ay nagpaalam sa kanyang nanay at umalis na sa kanilang tahanan.
Maraming tao sa daan. Nagsisigawan. Hindi maganda ang pakiramadam ni Anne sa nangyayari. Bumibilis na ang tibok ng kanyang puso. Agad na nagmadali si Anne papunta sa kanto kung saan nakapalibot ang maraming tao sa isang lugar. Siya’y nakisiksik upang makasilip. Nagulat siya sa kanyang nakita. Nakabulagta si Red sa lupa. Maraming siyang nakitang dugo na umaagos mula sa katawan ng kanyang bestfriend.
Nasaksak ang kanyang bestfriend na si Red. Agad niyang nilapitan.
“Anong nangyari?!” Tanong ni Anne kay Red ng umiiyak.
“Binalikan ako ng nakaaway ko eh,” nakangiti pang sagot ni Red.
“Boba! Huwag ka ngang ngumiti-ngiti pa! Kayong mga tao diyan, bulag ba kayo? Tumawag na kayo ng ambulansya!”
“Hoy Anne, ayan ka na naman, sumusungit na naman ang bestfriend ko.”
“Tapos?!”
“Mas lalo kang gumaganda. Mas lalo tuloy akong napapamahal sa’yo.”
“Tanga ka talaga! Anong ginawa mo doon sa lalaking nakaaway mo?!”
“Hindi ako lumaban, diba nag-promise ako? Ayaw kitang magalit eh.”
(Hindi nakakibo si Anne)
“Oh, ngumiti ka na nga diyan Anne”.
(Hindi pa rin kumibo si Anne)
(Hindi na rin kumibo si Red)
“Red?! Red?! Umayos ka nga diyan! Mahal kita! ”
“Mahal rin kita Anne. Paalam,” ang huling mga salitang binitawan ni Red.
Agad-agad na isinugod si Red sa ospital. Ipinasok siya agad sa Emergency Room. Marami nang dugo ang nawala sa kanyang katawan. Hindi na mahanapan ng solusyon. Si Anne ay naging malungkot sa resulta. Kung sana noon pa niya naipagtapat kay Red ang kanyang nararamdaman. Kung sana mas maaga pa niyang naibigay ang sulat. Kung sana noon pa, ‘di tulad ngayon kung saan huli na ang lahat.
Ito ang laman ng sulat ni Anne...
“Red, sana ‘di na lang kita nakilala. Masaya naman ako ‘nun eh. Kahit nung wala ka pa, ’di tulad ngayon. Pinapahirapan mo lang ako. Alam kong ‘di mo sinasadyang makilala ako. Ako rin eh, ‘di sinasadyang mahalin ka. Sana ‘di pa huli ang lahat.”