Kapansin-pansin na naman na tila nagdadalamhati ang puso ni Radyo dahil sa pagsibol ng pagtitinginan nina Beer at Ginayuma. Tila bumagsak ang mundo nito subalit sa di sinasadyang paraan ay napapamahal na si Lonelybullet kay Radyo. Wala naman atang pagtingin sa Radyo kay LonelyBullet pero bayaan nalang natin sila. baka malay nila bagay pala sila diba?
Ano tong nabalitaan namin? May gusto na raw itong si Gospel kay Edad. Ginamit daw ni Gospel itong Bata Batuta upang tanungin si Edad kung maaari siyang isayaw sa huling sayaw kasama ang mga ibon? Hmmm… may pag-asa kaya si Gospel o sila nalang ni Bata Batuta ang magiging huling sayaw ng isa’t isa?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Nahuhulog na kaya si Gina kay Siopao? Masugid daw na nanunuyo si Siopao kay Gina. Handa na ba si Gina na tanggapin ang pagmamahal ni Siopao o mauuwi lang sa lahat ang pinaghirapan ni Siopao? ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Dati ay parating nakikitang magkasama si Lamborghini at si Wron2g. Pero nang malaman ni Wron2g na may gusto sa kanya si Lamborghini, unti-unti siyang lumayo sa kanya. Paano na lang si Lamborghini? At pano na ang kanilang pagkakaibigan? Sabi nga nila, mahirap na maging magkaibigan muli kung magkakaibigan na. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Mukhang mapapalapit pa nga sa isa’t isa sina Sombrero kung nakabaliktad at si Hep-aids. Madalas silang magkasama kung saan saan mapa-Pisay man o sa labas. Tumaas din ang grado ni Hep-aids sa pagtatapos ng ikatlong kwarter. Si Sombrero kaya ang dahilan? ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Ang dating Auditor at ang mahiyaing si MarijuanaY ay nagkakamabutihan na nga. Madalas silang makitang naguusap at magkasama sa mall. Tunay nga naming nakakakilig sapagkat matagal na raw na may lihim silang pagtingin para sa isa’t isa. Magkakatotoo na ba ang fairytale nila o hanggang panaginip nalang ito? ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Bati na talaga itong si Panglima at Pangwalo. Lingid sa kaalaman ng lahat, nagbigay po itong si Pangwalo ng regalo kay Panglima. Babalik kaya ang dating pagtitinginan nila sa isa’t isa? ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Ayon sa napag-alaman ko, nag-away nga sina Advanced Physics at Battery noon, kaya nagbakasakali itong si SG kay Battery. Ngunit ngayon ay nakikita na ulit itong si Advanced Physics at Battery na magkasama. Nagkabalikan na kaya sila? Paano si SG? ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Nag-uusap na nga ng personal ang dalawang mag textmate na sina Ilog at Nata de Coco. Nabalitaan kong magdamag kung sila ay magtext. Magiging mas malapit kaya sila sa isa’t isa? ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Hay, naku. Sino ba talaga Black Eyed peas ang pipiliin mo sa kanila ni Chemical Engineer at Joker Arroyo? Matagal na magkakilala sila Black Eyed Peas at Joker Arroyo habang sina Balack Eyed Peas at Chemical Engineer ay naging malapit dahil sa text. Pumili ka na Black eyed peas. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ May bago nga namang pagtitinginan na nabuo kina AreComplete at biikOOulit. Bago lang daw nang sila ay nagkamabutihan pero halatang may maganda silang pagtitinginan. Nakaget-over na nga ba talaga si AreComplete kay Dancing Queen na nalilink na naman kay UnclengTakot? Hay naman, sana maging masaya na ang lahat. Aall izz well ikanga! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ May nakikita na rin na mas napapalapit na si Ginayuma at Beer sa isa’t isa. Tunay ngang kay gandang balita sapagkat matagal na rin na nanunuyo itong si Beer kay Ginayuma. Madalas na rin silang nakikitang lumalabas nang magkasama. Sana’y humantong sa happy ending ang dalawa. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Iba rin atang kumarinyo itong SantongAso! May tatlo siyang prinsesa na muntikan na niyang mapaibig dahil sa kanyang mahiwagang pakikipagtext sa kanila. Nakakaloka nga naman nung unahin niyang mapatibok ang puso ni PutolnaSanga na muntikan niya na raw mapasagot . Hindi natuloy ang panunuyo ni SantongAso kay PutolnaSanga dahil dumapo naman siya sa ibang bulaklak na nagngangalang HulogngHeaven. Sa ganong paraan din nanunuyo ang SantongAso pero di naman nagtagal ay pumasok na naman ang isang dilag na kilalang GuestngGlee. Naku, ano ba talaga SantongAso? Kelan ka ba magiging stick to one? |